• Eyes - gustong gusto ko talaga yung mga mata mo. Basta parang ngumingiti yung mga mata mo pag nakatingin sakin.
• Lips - kissable lips hahaha. Balang araw mahahalikan ko din yang mga labi mo.
• Introvert - Ewan ko pero gusto ko yung pagiging introvert mo kasi lumalabas yung pagiging madaldal ko hahaha.
• Halos kapareho ko sa lahat ng bagay - alam mo na siguro to :)
• abakadamachine - Idol ko na talaga yung mga tao sa likod ng abakadamachine kahit nung di ko pa kayo kilala. Lalo na nung nakilala kita. Hindi lang idol, naging crush ko pa hihi.
• Sumusulat ng tula - gusto ko rin yung babaeng sumusulat ng tula. Wala lang, ang astig lang. Yun nga palang sinulat mong tula na “Matamis mong ophowszx” eh inattempt kong lagyan ng tono para gawing kanta kaso fail :/
• Magaling na writer - eto talaga yung lalo akong napahanga sayo. Kasi lahat ng sinusulat mo eh naeengganyo akong magbasa tapos ramdam ko pa yung emosyon. Basta galing thumbs up
• Sense of humor - si girl pick up hahaha. Pag magkausap tayo lagi mo akong napapatawa. Kahit alam kong mas korny ako sayo. Kahit hindi ka ganyan sa personal, ayos lang :D
• Height - saktong sakto yung height mo sakin. Walang labis walang kulang. Akala ko talaga nung una eh mas matangkad ka kesa sakin, buti na lang at halos magkasing tangkad lang tayo.
• Music lover - siguro eto yung isa sa mga pwede nating maging bonding. Mahilig ka rin kasi sa music tulad ko. Kakantahan na lang kita kahit sintunado ako hahaha.
• Food lover - sabi mo malakas kang kumain tapos lahat kinakain mo. Kaso hindi ka naman nagugutom pag ako kasama mo :|
• Art lover - hindi ako masyadong ma “art” eh kaya kailangan kita. Ikaw ang maglalagay ng kulay sa black and white kong mundo. Lol
• The Best In The World - may masasabi pa ba ako? Eh the best in the world ka eh. Ikaw na!
• Blogger - “Date a girl who blogs” sabi nila masarap daw magkaron ng girlfriend na blogger kasi yung mga nangyayari sa inyo eh isinusulat niya sa kanyang online diary. Kakilig kaya yun :”)
• Baliw - gusto ko yung pagiging baliw mo, yung pabago bago ka ng mood. Hindi naman sa gusto ko lagi kang ganyan, pero para sakin kasi eh challenge to. Gusto ko ring i-challenge yung sarili ko kung paano kita mahahandle pag inatake ka ng pagiging “baliw” mo. Haha
• Sexy voice (lol) - hindi ka naman boses lalake tulad ng sinasabi mo. Basta ang sexy talaga dating ng boses mo sakin. Naiinlove ako lalo pag nagsasalita ka.
• Masarap kausap - Masarap kausap in a way na nakikinig ka sakin pag nagkkwento ako. Kahit hindi ka nagsasalita at least nakikinig ka at naiintindihan mo ako.
• Kasundo ko - kasundo kita sa lahat ng bagay. Hindi naman sa lahat pero halos magkapareho tayo ng hilig eh.
• Komportableng kasama - komportable ako pag kasama ka. Kahit isang beses pa lang tayong nagkikita, parang pakiramdam ko eh pamilyar na ako sayo. Siguro dahil halos araw araw tayong nag uusap. Komportable akong magkwento sayo, kahit mga sikreto ko nasasabi ko pa rin sayo.
• At siyempre mahal na mahal ako - pero mas mahal na mahal kita. Sa tingin ko eh kulang pa tong mga sinabi ko. Hindi pa to sapat para sabihin lahat ng dahilan kung bakit kita nagustuhan. Kaya nga mas gusto kitang kilalanin habang buhay eh :)
Ano nang balita dito? Madami na bang nabago? Bihira na kasi akong tumambay dito sa tumblr eh. Ang hirap kasing magtumblr dito sa aking nokia 3210 na cellphone itapon ko na lang kaya ito? Hahaha joke. Halos dalawang buwan na rin pala ang nakalipas mula nung masira ang kompyuter dito sa bahay. Medyo nasasanay na rin naman akong walang ginagamit na kompyuter (sakit lang kasi sa mata yun) Kung magrerent naman ako sa labas (actually sa loob talaga yun ng comp. shop hindi sa labas) eh dagdag gastos pa yun. Yung perang pangrerent ko ng kompyuter eh ipambibili ko na lang ng pagkain, nabusog pa ako di ba? . . . o sige ako’y tatambay muna sa ibang lugar. Babalik na lang ulit ako dito pag maayos na ang lahat. :D
Minsan talaga dumadating yung panahon na parang gusto kong magkwento ng tungkol sa buhay ko dito sa blog na to pero minsan dumadating din ang panahon na ayaw ko lang talaga magkwento. Tulad ngayon ayaw kong magkwento kasi tinatamad ako. Teka ano ba talaga ang gusto kong sabihin? Ahm…gusto ko lang naman sabihin na walang kwenta ang post na ito, na kahit wala itong kwenta eh hindi ko ito idedelete. Kahit walang kwenta ang taong sumulat este nagtype pala nito, basta ang mahalaga gwapo pa rin ako (Kapal ng mukha)
THE END.
Dapat araw-araw mong nililigawan yan brad. Hindi yung kung kelan lang may espesyal na okasyon saka ka lang nagiging sweet. Sabi nga ng Coca-cola, “Araw-arawin ang saya” LOL —- Tang ina bakit nasasabi ko ang mga ganitong bagay? HAHAHAHA